Monday, May 08, 2006

Final Answer

Sabi niya: Wat ever your reasons or watsoever blahs, the burden is now yours.... ikaw na ang magdecide kung aayusin pa naten to o hindi...... sawang sawa na kong intindihin ka na lang parati.... for once ako naman ang intindihin mo.... marami salamat.... sabihan mo na lang ako kung anong napagpasyahan mo

Ang alam ko ako ang naghihirap sa sitwasyon ko ngayon. Na ako ang nagho-hold on. Na ako ang nagiipon para sa pagpunta nya rito. Na ako ang naguubos ng load para sa internet at phone card kakatawag sa kanya. Pero ang sabi nya ako daw ang hindi nagre-reach out. Kulang pa ba ang mga ginagawa ko sa kanya?

Litong-lito ako. Feeling ko ang sama sama kong tao at di ko sya binibigyan ng atensyon. Alam ko may mga pagkakamali ako sa paghihigpit sa kanya. Pero yung sabihing hindi ako nagre-reach out eh parang dagok sa akin dahil alam ng mga kasama ko rito sa Dubai na ang lahat ng gastos ko eh napupunta lang sa kabibili ng load para lang makausap sya at yung iba ay pang save ng ticket at VISA niya. Gulong-gulo ako ngayon.

7 comments:

Martin said...

Dubai? I repeat, it's not my choice to go there. Since I'm your partner, it's my obligation to be with you so I agreed to go to Dubai even though I don't want to. So wag mo sa akin isusumbat ang pag-iipon mo dyan at gastos for me kasi ikaw ang pumili nyan. It's not my choice, but it's yours.

Eto ang problema mo ngayon Rodney: PARANOID KA. MARAMI KANG HANG-UPS.

Nung andito ka pa sa Pilipinas eh hindi ka naman ganyan e. Lagi ko na lang iniintindi ang pagka paranoid mo. at ngayon, may hangganan din ang pag iintindi ko sa paranoia mo.

At lalo na gawin mo pa akong sinungaling. At eto pa, cge, magmalinis ka pa, parang hindi ka rin naman naglagay ng mantsa sa relasyong ito. Pareho lang tayo, Rodney.

So ngayon, i tried to talk to you, pero ayaw mo. At san ka pa... dumepende ba saken?

Tanong ko, "do you still wanna fix this?"... ang sagot mo? eto... "If your answer is yes...then my answer is yes as well."

Wala ka bang sariling desisyon? So sino ngayon ang naghhold on at hindi? Kung naghhold on ka, edi sinagot mo kagad ng YES. Pero hindi e... dumepende pa saken. Pwes, ngayon... sayo ko na binibigay ang burden ng desisyon making... para naman masabi mong naghhold on ka nga talga.

oo nga pla, sana dalian mo ang pagpapasya mo... para maibayad ko na rin sa CC ko ung inipon ko just in case ayaw mo na.

Maraming salamat.

Anonymous said...

Ayaw ko makialam but please listen and speak thru your hearts,not with your minds. I say this kasi may mga points kayo,may tampo sa isa't isa. Ang sa akin lang,alisin nyo ang pride. This is not just a relationship, this is your LIFE.

May paghihirap kayo pareho, tama lang yun.Ganun talaga. Relationship is OBLIGATION, RESPONSIBILITY.It would seem na nagko complaint kayo but i guest u guys are just saying all those in hope for a recognition.Since magkahiwalay kayo,dapat matutunan nyo mag recognize ng effort ng isat isa, at mag extend ng pasensya. Nde madali ang long distance relationship, in fact i dont believe in it...please prove me wrong...

Anonymous said...

Wala akong masabi...yakang yaka u yan prend!!

Basta hwag u kalimutan ang lunch natin bukas ha?

My Little Brown Bag said...

Arnold,

Martin will come to Dubai. He'll be with me. I don't know what will happen next pero he's here in my heart.

Hindi ko rin alam kung anong mangyayari if ever malaman ng family ko considering that I come from a homophobic one.

Life will go on for me...with Martin. Please pray for us both. Mahal na mahal ko sya and I've accepted his flaws dati pa. I know I have my own wrongs din and I'm praying that he has the patience to hold on.

Anonymous said...

Lammo Rodney, I don't know you both personally, pero I see something grand about your relationship. I am a fan of your relationship.

Araw-araw, I make it a point to visit your site and Martin's, and I see something very special about you two.

Lam nyo, the things that you two are feeling right now, hindi talaga kayo yan. That is the evil thing called distance that's tearing your relationship apart.
Dagdagan pa ng culture shock and homesickness on your part, talagang maglalabo-labo na ang unpleasant feelings, kaya konting masaktan ka, defensive na tayo agad.

Nagbabasa rin ako ng blog ni Martin, at alam mo, pareho kayong may point. Walang tama or mali sa inyong dalawa. Equally, you two have a point. Pareho lang kayong may sinasacrifice. Pareho kayong nahihirapan. Dagdagan pa na first year anniversary nyo, tapos hindi kayo together.

Maybe it's time for both of you to seriously discuss about your future. Para there's something to look forward to, di ba? Para kasing nafee-feel ko na pareho kayong takot na takot na mawala ang isa't - isa dahil sa distance, kaya parehong may nafee-feel na paranoia, mistrusts etc. I-reassure nyo lang ang isa't isa at explain to each other the course of each other's actions. Life doesn't stop for each of you just because magkalayo kayo di ba? Pero just the reassurance from both of you na kasali ang isa't - isa sa mga plano sa buhay.

Ganyan talaga ang relationship, may compromises. Eh what is compromise compared to a lifetime of happiness and true love?

Lam nyo, very common sa long-distance relationship ang break-up, bati, break-up bati. Ang nakakatakot lang, baka sa kagaganyan, eh mapuno na rin ang isa't - isa at hindi na magkabati. Sayang naman di ba? Kaya dapat, dapat i-reassure na it's with each other you wanna spend your lives with.

Naiintindihan ko kayo preho. Hayyy... Nagdaan na ako jan.

With regards to your family being homophobic, kung hindi kayo maiintindihan ng family mo, well, you're at a legal age now where you can decide on your own. Kung hindi ka man nila maintindihan ngayon, maiintindihan ka rin nila. I know mabuting tao ka, and that's all that matters.

Good luck sa inyong dalawa. Pag ikakasal na kayo kung saan man, imbitado ako ha? :o)

Lena said...

wow. ok ang mga comments d2 ahhh...mas mahaba pa sa entry mo rodney!!!

give peace a chance!

Anonymous said...

sana mag-email na lang keo... this is too personal... nde lang keo nagkakaintindihan... hay... guys please speak the same language ... hehehehe.. mareresolbahan din to.... Good luck.. i suggest mag-usap keo in private... private email...