Friday, April 21, 2006

Tali

Hindi ko alam kung inaatake na naman ako ng depression o ano. Sobrang hirap na akong kumilos sa trabaho. Masyadong mabilis ang bawat kilos. Lagi na lang tambak ang trabaho pag nasa office ako. Di na pwede petiks. Araw araw kailangan may matutunan. Kailangan I should not be an average Juan in terms of learning new tricks. Lahat dapat alam mo. Ayokong sabihin tong blog na to sa salitang naiintindihan nila kasi baka kahit anong oras mabasa nila at maintindihan nila etong sinusulat ko.

Ang hirap pa sa serbisyo namin ang daming humihingi ng tulong sa support. Kadalasan di ko pa kaya kasi hilaw pa. Ang hirap pa nito lagi kaming tali. Turo ang daliri kay ganito...turo ang daliri kay ganyan. At sa kanila...walang imposible. Kailangan may sagot ka. Kahit di mo alam. Pag di mo maibigay ang sagot kailangan maipasa mo agad. Ewan. Buti kung isang kumpanya lang ang supporta mo. Ayokong sabihing reklamador ako. Pero ang hirap gumalaw sa mundo na walang kanto o sulok.

Isa eto sa mga problemang kinakaharap ko ngayon. Ang bawat ngiti at halakhak ko ay pilit. Ang bawat paggising ko ay puno ng pagalala na baka sa susunod na linggo hindi ko na makayanan. Ayokong sumuko dahil nandito na ako at ayokong mauwi sa wala ang plano ko sa buhay. Pero paano na kung di ako ko na talaga kaya? Kasi sumusweldo nga ako pero hindi ko nararamdaman na may worth ako dahil pinaparamdam sa akin ng amo ko na hindi sapat ang ginagawa ko. Hilaw pa ako kaya hindi ko pa kayang kumilos at hindi ko pa gamay ang lahat ng gawain.

Ewan ko pero mukhang susuko na ako. Bibigyan ko ang sarili ko ng isa pang buwan. Tama lang dahil malapit na ring matapos ang probation ko. Pag dumating ang araw na iyon at hindi pa ako makakilos malamang aalis na ako sa kumpanyang iyon. Nagpaalam na ako sa kaibigan ko na medyo natatakot ako sa desisyong gagawin ko dahil ang katumbas nun ay multa katumbas ng isang buwan na pinagpaguran ko. Pero ano ang gagawin ko? Ayoko namang mabaliw sa sobrang pressure na binibigay sa akin. Sa susunod na linggo malamang may bagong amo ako na papalit sa lumisan na tech na amo. Ewan ko na lang kung gagaan ang mundo ko o lalong lalala dahil magiging pabigat sa akin dahil may magdadagdag ng utos na naman.

Bawat sandali na lang nakikita ko ang sarili kong nagbubuntong hininga. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak pero ayokong sabihing mahina ako. Pinili ko tong pagpunta ko rito kasi gusto kong mapatunayan sa mga magulang ko na kaya kong mag-isa. Kailangan ko ang suporta ninyo at panalangin sa mga darating na araw. Kailangan ko ng lakas ng loob. Kailangan ko ng mga kaibigan na magpapayo sa akin.

Hindi madali ang buhay dito. Akala nyo lang madali kasi pinapaalam ng mga ibang dating officemates ko na madali lang makahanap. Pero marami ang nahihirapan ngayon. Isa na ako. Pero hindi naman ako nananakot dahil lakasan lang ng loob ang labanan dito. Survival of the fittest kung baga.

Isama nyo na lang ako sa panalangin nyo. Na naway magkaroon ako ng magandang pag-iisip sa hinaharap at maging matatag.

5 comments:

Anonymous said...

Kuya boy, tiis ka lang. May balik naman lahat ng mga pinagpapaguran mo jan. May awa ang Dyos (ika nga nila)... If you feel down and depressed, sabihin mo lahat kay God yon, makikinig sya. Proven na yan.

Take care!
I will pray for you.

--Lizzz
www.zitrozil.blogspot.com

Martin said...

You don't need to be in another country to prove anything to your family.

Basta tandaan mo nasa tabi mo lang ako at hindi ako mawawala. Pero kung hindi mo na talaga kaya, pwde ka naman bumalik dito. Mas gugustuhin ko naman un kesa pagpilitan pa natin na makapunta ako dyan eh hirap na hirap ka na nga.

Mahal na mahal kita at ayoko nakikita kang nahihirapan...

MyStRiPeSoCkS said...

cge tito boy makakaasa ka..

me said...

rodney, oo nga mukha ngang ang hirap ng trabaho mo dyan. ok din ung magtiis pero kung hindi talaga kaya, may Pilipinas ka pa namang uuwian dito.

we'll pray for you :)
God bless!

My Little Brown Bag said...

Maraming salamat sa mga panalangin. Bukas simula na naman ng isang linggo. Ayokong magisip ng negatibo kasi puro negatibo na ang nasa utak ko.