Buti na lang...
...bago ako umalis ng Pinas napanood ko ang 'Brokeback Mountain', 'Ako Legal Wife' at mga ibang pirated DVDs. Kasi dito bihira ang ganyan.
...Nakanood ako ng maraming sine noong MMFF kasi dito ginto ang sine
...Nagtiis ako sa mababahong amoy sa palengke. Kasi dito araw-araw pag sakay mo sa bus, pag punta mo sa mall, pagsakay mo ng taxi, paguwi mo ng bahay, pagpunta mo sa internet cafe siguradong may Indyano.
...May internet kasi ang dami kong nagagawa dito para makausap ko pamilya ko at bebe ko.
...Umalis na ako sa call center na dati kong pinagtratrabahuhan kasi ngayon alam ko na may value pala ako. (Kaya kayo na nagbabalak go go go na! Maraming opening dito!)
...May Chinatrust. Kasi ang laki ng loan ko sa kanila. Ang alam ko ngayon hininto na nila ang pagpapa-loan sa Link2. Surety! (May kwento ako sa "surety" word na yan!)
No comments:
Post a Comment