Thursday, December 08, 2005

Bakla, Bakla, Paano Ka Ginawa?

Iba si Maxi. Bata. Sariwa. Malandi.

Babae sa kilos at galaw kahit napapaligiran ng mga kapatid na sanggano at amang "Godfather" ng mga kriminal sa isang masukal na iskwater.

Ang buhay ni Maxi ay masalimuot ngunit kanyang napapaligaya ang kanyang sarili sa pakikisalimuha sa mga kapwa bading na sing-edad niya na.

Sa pagdating ni Victor na bagong pulis sa kanilang barangay, titibok ang puso ni Maxi at magbabago ang takbo ng buhay kanyang pamilya.

No comments: